Yung tipo na nag popromote ka naman ng business mo pero walang nag iiinquire sa mga post mo pero kapag selfie mo naman ang pinost mo ang daming nag lilkes.
Sa totoo lang friend napaka powerful na talaga ng social media ngayon pero kaya marami padin ang hindi nag kakaresulta sa kanilang business ay dahil ginagamit nila ang social media sa kanilang business sa maling paraan.
Kung mapapansin mo kasi kapag nag punta ka sa social media napaka dami ng advertisement ang makikita mo lalo na sa facebook napakarami ang makikita mo na mga ads na ang nakalagay ay kung gaano kaganda ang products at opportunity nila
Wala naman masama kung ganun ang advertisement na gagawin mo hindi ko sinabi na hindi ito effective pero sa dami kasi ng nag aadvertise lalo na sa facebook kung gagayahin mo lang yung ginagawa ng karamihan mahihirapan ka makabenta dahil hindi ito mapapansin ng mga prospects mo dahil ginagaya mo lang ang mga kakumpitensya mo.
Kung gusto mo talaga mag stand out ang kailangan mo gawin ay makita ka ng mga prospects mo na unique at kakaiba siguro ngayon tinatanong mo kung ano ang mga pwede mo gawin para mag stand out ka sa mga kakumpitensya mo.
ang pwede mo gawin ay tell story walang gumagawa ng ganyan masyado at tayong mga tao ay mahilig mag basa ng mga kwento lalo na kung nakaka inspire yan ang isa na best strategy na magagawa mo kung mapapansin mo diba kahit yung mga sikat na fastfood chain dito sa atin ay kwento nadin ang ginagawa nila everytime na nag cocomercial sila sa T.V.
Ang pwede mo gawin imbes na ipagsigawan mo kung gaano kalupit ang company mo bakit hindi ka humanap ng success story ng mga top earner sa company ninyo at ayun ang ipost mo pwede mo din gawin na kuhanan mo ng video habang nag iinterview ka ng successful na tao sa company ninyo at ayun ang ipost mo sa internet sigurado marami ang makakapansin sa ginawa mo dahil bibihira ang gumagawa ng strategy na ganyan.
I Hope na madami ka natutunan sa blog post ko na ito and wag mo kalilimutan iapply kung ano man ang natutunan mo sa blog post ko na ito. Till next time Friend and have more success in your business.
P.S FREE VIDEO SERIES HOW TO SELL ANY PRODUCT AND EARN BIG COMMISSION USING THE POWER OF THE INTERNET EVEN YOU ARE NOT PRESENTING AND SELLING FACE TO FACE CLICK HERE
Your Friend To Success
Raymond Rhakie Cruz
No comments:
Post a Comment