Alam mo yung tipong hirap na hirap ka humanap ng tao na kakausapin para sa business mo?
Naalala ko lang dati nung hindi ko pa alam ung mga effective skills na dapat ko matutunan sa business ko.
Halos araw araw napaka desperado ko na mapasali yung prospect na nakakausap ko kahit alam ko na negative sya pinapasali ko padin sya ang pinag tataka ko bakit yung ibang marketer hindi sila nauubusan ng prospects na kakausapin samantalang ako isa na nga lang nakaaka usap ko sa isang araw minsan wala pa super burn out na talaga ako sa business ko muntik na talaga ako mag quit.
Hangang sa nalaman ko kung bakit ako nahihirapan makapag pasali sa business ko. alam ko ito rin siguro ung nagiging mali ng ibang pinoy kaya sila nahihirapan sa business nila ano nga ba yung maling nagagawa nila?
Ito ay yung pagiging desperado makapag pasali ng prospects yung tipong gagawin ang lahat para lang mag join ang prospects nila kahit ito ay negative naman talaga at hindi interesado sa business.
Ganito kasi yan friend kapag narandaman ng prospects mo na gustong gusto mo sya mapasali yung tipo na desperado ka mararandaman yun ng prospects mo at dun sya mag uumpisa na tumakbo sayo palayo dahil ayaw ng mga tao ng masyadong mga pushy.
Ang sad part is marami sa mga marketer ang ganito ang ginagawa kaya sila iniiwasan ng prospects tandaan mo ito friend wag ka matakot na ayawan ka ng prospects mo ang dapat mo magawa ay damihan mo yung prospects na nakakausap mo para mag focus ko dun sa mga tao na hindi mo pa nakakausap kumpara sa kulitin mo yung mga negative prospects na hindi naman sasali sa business mo.
Lagi mo tandaan na ikaw ang kailangan ng mga prospects mo dahil ikaw ang merong opportunity na makakatulong sa kanila kung hindi sila sumali bahala na sila hanap ka agad ng Next.
I hope na madami ka natutunan sa blog post ko na ginawa wag mo kalilimutan iapply yung mga new learnings na natutunan mo dahil dun ka mag uumpisa mag karesulta kapag nag tatake ka palagi ng massive actions sa business mo.
See You At The Top
Raymond Rhakie Cruz
Online Entreprenuer/Mentor
No comments:
Post a Comment