Kamusta ka na?
Meron ako gusto
ikwento sayo may mapupulot ka dito na aral at matutuwa ka sa kwento ko.
Kanina nasa bandang
Ortigas kami galing kami kasi sa isang Seminar habang kami ay nag uusap ng
kasama ko may napansin ako yung lalaki sa harap namin parang nakikinig sa
usapan namin so deadma lang kami baka kasi mahilig lang makinig talaga yung
lalaki sa mga kwentuhan hehe.
Tapos napapansin ko
yung lalaki lingon na ng lingon sa amin so iniisip ko bakit kaya sya tumitingin
sa amin tapos may kinukuha na sya sa bag at nagulat kami sa sinabi nya ito yung
sinabi nya bigla sa amin ng kasama ko.
"Kuya gusto nyo
sumali sa business ko sali na kayo maganda ito"
Then may hawak sya na
flyers at tuloy tuloy sya sa pag bibida ng opportunity nya.
Hindi nakami makapag
salita ng kasama ko dahil parang nagulat kami sa ginawa nung lalaki Imagine
akala namin kung ano na gagawin nya bigla nalang sya nag salita at kinukulit na
nya kami sa business nya.
In Reality
posible na mag work ang ganito na strategy pero ito ay hindi maganda na
business model dahil kapag ganito ang approach na ginawa mo dinadaan mo lang sa
tsamba yung business mo at kung ganito ang gagawin mo maari ka kumita pero
hindi ito tatagal dahil nag babaka sakali kalang na magustuhan ng kausap mo
yung business mo napaka rami mo na sasayangin na oras kapag ganito ang ginawa
mo.
Pero alam mo ba
maniwala ka man or hindi ganito na ganito din yung approach na ginagawa ko dati
at sang katutak na failure at feeling ko hiyang hiya na ako sa ginagawa ko at
naisip ko talaga na meron ba ibang paraan para mag build ng business ng hindi
ako namumusakal at kumakausap ng mga hindi interesado na tao.
Meron ako tanong sayo
gusto mo ba matutunan kung paano na prospect mo mismo ang lalapit sayo para mag
tanong kung pwede ba sya sumali at bumili sayo? Parang hindi kapani paniwala
diba akala ko dati hindi pwede mangyari yung ganito pero posible pala at ito pa
pala nalaman ko na nasa internet lang pala talaga ung mga positive na prospects
at nag aantay lang sila ng tao na makikita para salihan nila.
Your Friend
Raymond Rhakie Cruz
No comments:
Post a Comment