Sunday, December 27, 2015

Sharing Lang Ba Ang Networking?

May narinig kana ba na ganito?

Basta magaling ka mag share at mag kwento kikita ka agad basta kwentuhan mo lang lahat ng kakilala mo para mabilis ka kumita.


Pero nakakapag taka bakit kaya ganun naka usap mo na lahat ng kakilala mo tungkol sa business mo pero wala ka padin kinikita or hindi padin sila nag jojoin sayo bakit kaya ganun?


Gumising tayo sa katotohanan na kapag nasa business tayo hindi mo lang kailangan magaling mag share dahil kahit ilang tao pa ang kausapin mo kung hindi sila interesado sa offer mo paulit ulit kalang marerejct ng mga kausap mo.



Malaki ang pinag kaiba ng sharing at selling at kapag nasa MLM ka or Networking nasa business ka ng sales ayun ang totoo nag bebenta ka talaga at hindi ka lang nag share ang dali lang kaya mag share diba? Kung sharing lang talaga ang ginagawa natin kapag may kumuha ng products mula sa atin dapat hindi tayo tatangap ng pera pero kapag ikaw ay tumangap ng bayad ang ibig sabihin nito ay nag bebenta ka talaga at hindi ka nag share.



Maaring hindi sinasabi sayo yung totoo na nasa sales ka talaga dahil natatakot sila na baka hindi ka sumali sa business kapag nalaman mo ang totoong gagawin mo at iyon ay ang pag bebenta madami kasi sa atin karamihan sa mga pinoy ay negative ang tingin sa pag bebenta akala kasi nila ay para maka benta ka kailangan mo mangulit ng mga kakilala at paulit ulit mo ipush ang products mo sa kanila.

Hindi mo kailangan kulitin ang mga kakilala mo para makapag recruit at benta ang kailangan mo gawin ay hanapin ang mga tamang tao para sa products mo.


Bakit mo ipipilit ang products mo na pang pa puti sa mga taong maiitim na ayaw naman pumiti?


Ang kailangan mo hanapin ay yung mga tao na nag pakita na ng interest sa pag papaputi ang kailangan mo hanapin ay yung mga gumagamit na talaga ng Glutathione or mga Whitening Soap.

Kapag sa kanila mo pinakita ang pang pa puti mo na products malaki ang chance na bumili na sila sayo dahil alam na nila sa sarili nila na kailangan talaga nila ang binebenta mo.

Bago bumili ang tao sayo kailangan mo muna maipakita kung ano ang mapapala nila sa binebenta mo bago nila ito bilhin sayo.






Like and Share If May Natutunan ka sa new blog post ko na ito.
Till next time friend










Raymond rhakie Cruz
online entrepreneur/Mentor



No comments:

Post a Comment