Basta magaling ka mag share at mag kwento kikita ka agad basta kwentuhan mo lang lahat ng kakilala mo para mabilis ka kumita.
Pero nakakapag taka
bakit kaya ganun naka usap mo na lahat ng kakilala mo tungkol sa business mo
pero wala ka padin kinikita or hindi padin sila nag jojoin sayo bakit kaya
ganun?
Gumising tayo sa
katotohanan na kapag nasa business tayo hindi mo lang kailangan magaling mag
share dahil kahit ilang tao pa ang kausapin mo kung hindi sila interesado sa
offer mo paulit ulit kalang marerejct ng mga kausap mo.
Malaki ang pinag kaiba
ng sharing at selling at kapag nasa MLM ka or Networking nasa business ka ng
sales ayun ang totoo nag bebenta ka talaga at hindi ka lang nag share ang dali
lang kaya mag share diba? Kung sharing lang talaga ang ginagawa natin kapag may
kumuha ng products mula sa atin dapat hindi tayo tatangap ng pera pero kapag
ikaw ay tumangap ng bayad ang ibig sabihin nito ay nag bebenta ka talaga at
hindi ka nag share.